Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kakanin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kakanin. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 6, 2019

Kutsinta


Sinasabing ang salitang 'Kutsinta' ay nagmula sa salitang Tsino na 'Kueh Tsin Tao'. Ang salitang 'Kueh' sa wikang Hokkien ay nangangahulugan ng isang maliit na steamed cookie na panghimagas. 

Isang uri ng puto ngunit tila jelly ang texture dahil sa sangkap nitong lihiya, ang puto kutsinta ay meryendang nakagisnan na nating mga Pinoy at makikita saan mang dako dito sa ating bansa. Madalas ibinibenta ito na may kasamang ginadgad na niyog para ibudbod sa ibabaw at karaniwan na rin itong itinatambal sa puto.

Huwebes, Disyembre 13, 2018

Palitaw

Sweet Flat Rice Cake

Tradisyonal na meryendang pinoy ang palitaw. Gawa ito sa galapong na pagkatapos bilugin sa mga palad ay hinuhugis naman nang palapad na tila dila at hinuhulog sa kumukulong tubig. Kapag luto na  ay lumulutang ito sa ibabaw kaya naman tinawag itong "palitaw". Paghango mula sa tubig ay sinasala ito at pagkatapos ay binubudbudan ng kinudkod na niyog at asukal na pula.

Ube Halaya

Ipinagmamalaking panghimagas ng mga Pinoy na tanyag na sa ibang bansa ang ube halaya.

Galing sa salitang kastila na jalea o jam, ang ube halaya ay katutubong panghimagas nating mga Pinoy. Pinapakuluan muna ang ube hanggang lumambot. Pagkatapos, binabalatan ito, ginagadgad at hinahaluan ng gatas at keso.

Nakagawian na itong lutuin ng pamilyang Pilipino kapag may espesyal na okasyon kung saan nagkakasama-sama ang magkakamag-anak. Pinaghahalo ang mga sangkap sa isang kawa at niluluto sa kalang de uling. Malimit ring naghahalinhinan ang mga miyembro ng pamilya sa paghalo nito na umaabot rin ng treinta minutos.

Tampok na sangkap ang ube halaya sa halu-halo kasama ng leche flan na parehong ipinapatong sa ibabaw ng kinaskas na yelo nito.

Sa ngayon kilala na ang ube halaya maging sa ibang bansa bilang panghimagas at panghalong flavor sa iba't ibang klase pang panghimagas native man o banyaga tulad ng donut at ice cream sandwich.

Miyerkules, Disyembre 12, 2018

Suman

Suman sa Ibos, gawa sa malagkit na binalot sa dahon ng buri o ibos sa Ilonggo
Sari-saring klase ng suman ang matatagpunan sa iba't ibang rehiyon ng bansa, karaniwang sangkap nito ay malagkit ngunit may suman din na gawa sa kamoteng kahoy. Pinapakuluan ang malagkit hanggang umalsa at maluto, madalas itong haluan ng gata ng niyog at konting asin, at pagkatapos ay binabalot sa dahon ng saging o buri. Kung minsan ito'y hinahaluan ng langka o ng iba pang sangkap depende sa rehiyon dito sa Pilipinas.

Linggo, Disyembre 9, 2018

Bibingka

Bugtong: "Nagsaing si Insiong, nasa ibabaw ang tutong."

Baked Rice Cake

Paboritong meryenda ng mga Pilipino ang bibingka. Ang tradisyonal na paggawa nito ay ginagamitan ng espesyal na lutuan.

Tulad ng karamihan ng iba pang kakanin, gawa ito sa galapong at gata ng niyog. Karaniwan itong itinatampok tuwing panahon ng kapaskuhan bilang almusal pagka-galing sa pagsisimba.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...