Kalesa'y may pang-akit na taglay
maginhawa't di maalinsangan
nakakahalina kung pagmasdan
kalesa ay pambayang sasakyan
~"Kalesa" (Philippine Folk Song)
Kompositor: Ambrosio del Rosario
Titik: Levi Celerio
A horse-drawn Philippine transport, also called Karitela |
Panahon ng mga Kastila nang magsimulang magbaybay ang calesa, (na ngayo'y kalesa) ang sasakyang hinihila ng kabayo sa lansangan ng mga pangunahing lungsod dito sa ating bansa. Ang mga ito ay gamit noon ng mga ilustrado o mga mamamayang nakaririwasa sa kanilang personal na paglalakbay.
Dumami at naging pangkaraniwan ang gamit nito bilang pampublikong transportasyon sa Maynila noong panahon ng mga Amerikano. Ang nagmamaneho dito ay tinatawag na kutsero (mula sa salitang Kastila na cochero na ang ibig sabihin ay taga-maneho ng kotse).*
Sa ngayon makikita ang mga kalesa sa mga dinadayong bahagi ng bansa o mga tourist spots tulad ng Intramuros, Luneta o Rizal Park at Vigan. Mayroon pa ring kalesa na matatagpuan sa Binondo at sa mangilan-ngilang probinsya dito sa Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento