Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kusinang Pilipino. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kusinang Pilipino. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Enero 15, 2019

Gilingang Bato

"Walang nakaaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito'y nagisnan na naming magkakapatid. Ayon kay Ina, ito'y minana niya kay Impo, na minana rin naman daw ni Impo sa sariling ina nito."
               ~hango sa Ang Gilingang Bato, maikling kuwento ni Edgardo M. Reyes*



Ang gilingang bato ang ginagamit noong araw para makagawa ng galapong na karaniwang sangkap ng mga kakanin. Ito ay manu-manong iniikot ng kamay para durugin ang malagkit na bigas na binabad muna sa tubig. Bahagyang nakaangat ang ibabaw na bahagi ng pang-ilalim o ang hindi umiikot na bato kaya ang mga durog na butil ay nahuhulog pababa sa tagiliran ng gilingan.

*source

Sabado, Enero 12, 2019

Kudkuran ng Niyog

Bugtong: "Baboy ko sa Sorsogon, kung hindi sakya'y di lalamon."

Native coconut grater.
Ang kudkuran ay isang sinaunang kasangkapan na gamit sa manu-manong pagkudkod ng niyog. Meron itong bakal na 'mga ngipin' na tagakudkod. Dahil pangkaraniwan sa mga Pilipino ang mga lutuin na may gata, kalimitang may kudkuran na makikita sa mga kusina noong unang panahon.


Huwebes, Enero 10, 2019

Banga


Ang banga ang tradisyonal na sisidlan ng tubig na inumin na kadalasang makikita sa banggera noong unang panahon. Ito ay yari sa luwad at bahagyang mas maliit kaysa tapayan.

Kalan de Uling


Kadalasang yari sa luwad, ang kalan de uling ang tradisyonal na gamit sa pagluluto katambal ng palayok at native na sandok.

Martes, Enero 8, 2019

Almires



Tinatawag ring pandikdik, ang almires ang ginagamit na pandurog ng mga sangkap tulad ng paminta o bawang na kailangang ihalo sa pagkain. Ito rin ang ginagamit kung kailangan noon ng ating lolo at lola na makuha ang katas ng mga dahon na nakagagamot.

Huwebes, Disyembre 20, 2018

Lechon Tray



Karaniwang nililok sa hugis rin ng lechon baboy, ang lechon tray ay yari sa matibay na kahoy tulad ng narra, magkuno at gimelina. Ginagamit ito upang itampok ang handang lechon sa hapag-kainan.


Martes, Disyembre 11, 2018

Antigong Bote



Malimit na makikita sa isang tradisyonal na kusinang pinoy ang ilang malalaking bote. Ginagamit kasi itong sisidlan ng ating mga lolo at lola ng mga likido sa kusina gaya ng suka na maaaring nanggaling sa sarili nilang puno ng niyog. Hindi karaniwan noon ang paggamit ng plastic container sa mga produkto na mabibili sa merkado. Sa ngayon masasabing collectibles at antigo na ang mga bote na katulad nito. 

Bilao


Ang bilao ay karaniwan nang makikita noon sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ito kasi ang ginagamit ng ating mga ninuno para sa pagtatahip ng bigas bago ito isaing. Sa ekspertong mga kamay, napakadali lang ihiwalay ang mga dumi sa bigas tulad ng nahalong palay, ipa at maliliit na bato  sa pamamagitan ng pagtatahip o paggalaw sa bilao ng pataas baba nang may bahagyang pwersa. Sa labas ng bahay ito ginagawa upang deretso sa lupa ang mga mahuhulog na palay at ipa na siya namang tutukain ng mga manok at sisiw na kalimitang pagagala-gala sa bakuran ng mga kabahayan noong araw.

Ang mga manlalako ng mga kakanin at iba pang meryenda ay bilao rin ang gamit sa pagtitinda. Sinasapinan ng dahon ng saging ang bilao bago ilatag dito ang mga kakaning tulad ng biko at sapin-sapin at at dahon rin ng saging ang ipantatakip dito.

Sa kasalukuyan, makikita natin ang bilao bilang gamit sa pagtitinda ng mga gulay at prutas sa palengke. Karaniwan ding sa bilao nilalagay ang mga binebentang pansit at palabok sa mga restawran na may kaukulang laki depende sa sukat at presyo ng bibilhin. 

Palayok



 Ang palayok o clay pot ang madalas na gamit sa pagluluto ng ating mga lolo at lola. Ito ay yari sa luwad at may iba't ibang laki. Madalas na kaparehas nito ang kalang ginagamitan ng panggatong o ang tinatawag na kalan de uling.

Native na Sandok

Bugtong: "Ang ulo'y nalalaga ang katawa'y pagala-gala."

Sagot: Sandok


Karaniwang gawa sa bao ng niyog ang sinaunang native na sandok. Ang tangkay naman ay yari sa kawayan, mayroong mababaw at mayroon ding malalim na para sa sabaw.

Tapayan



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...