Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga panglinis ng bahay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga panglinis ng bahay. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Enero 14, 2019

Pamalis ng Alikabok

Feather Duster
Ang pamalis ng alikabok o feather duster sa wikang Ingles ay di lamang mabisang pampaalis ng alikabok, ito ay biodegradable rin tulad ng iba pang native na panglinis ng Pinoy. Karaniwan itong yari sa balahibo ng manok na binugkot sa patpat (stick) ng kawayan.

Pandakot

Dust Pan

Ang katambal ng walis sa paglilinis ng mga kalat sa loob at labas ng bahay ay ang pandakot o dust pan

Linggo, Enero 13, 2019

Bunot

Coconut Husk Floor Polisher

Ang bunot ay pampakintab ng sahig na mula sa bunot o husk ng niyog. Ito ay mainam gamitin na may kasamang floor wax sa mga sahig na yari sa kahoy o semento.

Walis Tambo

Native Filipino Whisk Broom

Ang walis tambo ay isang uri ng malambot na walis na gawa sa mga talahib ng tambo. Epektibo itong panlinis sa sahig ng bahay yari man sa kahoy o semento.

Walis Tingting

Filipino native outdoor broom.

Ang walis tingting ay isang uri ng native na walis  na gawa sa matigas na gitnang bahagi ng dahon ng niyog. Kalimitan itong ginagamit para linisin ang bakuran o ano mang parte ng labas ng kabahayan.

Tinatanggal muna ang mga dahon ng niyog sa sanga nito at pagkatapos ay aalisin na ang mga hibla ng malambot na bahagi ng mga dahon. Ang mga matitigas na bahagi ay titipunin at bubugkutin para maging walis.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...