Ipinagmamalaking panghimagas ng mga Pinoy na tanyag na sa ibang bansa ang ube halaya. |
Galing sa salitang kastila na jalea o jam, ang ube halaya ay katutubong panghimagas nating mga Pinoy. Pinapakuluan muna ang ube hanggang lumambot. Pagkatapos, binabalatan ito, ginagadgad at hinahaluan ng gatas at keso.
Nakagawian na itong lutuin ng pamilyang Pilipino kapag may espesyal na okasyon kung saan nagkakasama-sama ang magkakamag-anak. Pinaghahalo ang mga sangkap sa isang kawa at niluluto sa kalang de uling. Malimit ring naghahalinhinan ang mga miyembro ng pamilya sa paghalo nito na umaabot rin ng treinta minutos.
Tampok na sangkap ang ube halaya sa halu-halo kasama ng leche flan na parehong ipinapatong sa ibabaw ng kinaskas na yelo nito.
Sa ngayon kilala na ang ube halaya maging sa ibang bansa bilang panghimagas at panghalong flavor sa iba't ibang klase pang panghimagas native man o banyaga tulad ng donut at ice cream sandwich.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento