Filipino native outdoor broom. |
Ang walis tingting ay isang uri ng native na walis na gawa sa matigas na gitnang bahagi ng dahon ng niyog. Kalimitan itong ginagamit para linisin ang bakuran o ano mang parte ng labas ng kabahayan.
Tinatanggal muna ang mga dahon ng niyog sa sanga nito at pagkatapos ay aalisin na ang mga hibla ng malambot na bahagi ng mga dahon. Ang mga matitigas na bahagi ay titipunin at bubugkutin para maging walis.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento