Katutubo sa ating bansa ang saging na saba. Maraming lutuin mula rito ang kinamulatan na natin. Una na riyan ang banana que na sikat na meryenda saan ka man mapuntang baranggay dito sa Pilipinas. Nariyan din ang turon, maruya at minatamis na saging. Pwede itong ilaga lamang nang simple o gawing nilupak na lubhang kumplikadong likhain noong araw gamit ang tradisyonal na pambayo. Hinahalo din ito sa ginataang bilo-bilo, sa halo-halo o maging sa ulam tulad ng nilagang karne at pochero. Tunay na nakatagni na sa kultura at panlasa natin ang lokal na prutas na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento