Tampok sa hapag ng pinoy tuwing sasapit ang Noche Buena ang hamon. |
Naging tradisyon na nating mga Pilipino na mag-handa ng hamon o "honey-cured ham" sa ating mga hapag tuwing sasapit ang noche buena ("magandang gabi" sa wikang kastila) o bisperas ng pasko. Lalong patok sa Pinoy kung ang nakahain na hamon ay malambot at manamisnamis. Karaniwang kasama ng hamon sa hapag ng Pinoy tuwing noche buena ang leche flan, lechon at keso de bola.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento