Ang Binagol ay isang native delicacy na mula sa kabisayaan, partikular sa Samar at Leyte. Ito ay ginawa mula sa ginadgad na gabi o taro tubers, malagkit at dinikdik na mani. Mayroon din itong minatamis na pampuno na gawa sa gata, pula ng itlog at gatas kondensada. Tinawag itong binagol mula sa salitang 'bagol' o bao ng niyog sa Tagalog dahil nakahulma at nakalagay ito sa bao ng niyog. Nababalot ito sa dahon ng saging at nakatali gamit ang pisi kaya naman tila isang regalo ito kapag iyong bubuksan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento